Pag-ibig

Ilang beses mang madapa o masaktan

Ikaw pa rin, Pag-ibig

Ang aking uuwian

Pagkat ikaw sa puso ko’y mahalaga

Dito’y walang kaagaw

Wag kang mag-alala

Ako ma’y iyong iwan

Umasa kang hanggang huli

Ika’y maiintindihan

Pagkat mahal,

Ikaw ang sa aki’y bumubuhay

Ikaw ang siyang tunay kong buhay

Walang ibang nais kundi sumaya ka

San ka man dalhin

Ng iyong mga pangarap at mga mumunti mong paa

Mahal, aalalayan kita

Sa bawat hakbang mo

Dito sa masukal na mundo

Hanggang sa ika’y matutong

Lumakad, lumipad

Abutin ang mga gusto mo

Nasa likod mo lamang ako

Nagagalak at nagbubunyi

Sa bawat makamit mo

At kung sakaling dumating nga

Ang oras na ako’y lisan mo

Para sa mga pangarap at maging para sa sarili mo

Ako’y nandirito

Naghihintay at maghihintay

Para sayo

Hindi mapapagod

Hinding-hindi maghahanap ng iba

Hindi kailanman magagalit

Dahil ito sa dalawang bagay na ako’y sigurado:

Ikaw ang pag-ibig ko

At laging pag-ibig ang nananalo

 

*inspired by OTWOL finale and Rico (Juan Miguel Severo)’s spoken word